Ang Inyong Scout-palaran Ngayong 2022

Naging kaugalian na nating mga Pilipino na mag-abang ng horoscope bago magpalit ng taon o pagkatapos mismo ng selebrasyon ng bagong taon. Marami tayong inaabangang pagkukuhaan ng horoscope para gawing gabay sa ating magiging desisyon sa mga susunod na buwan.

Ngunit dapat mong malaman na lahat sila ay nagkokopyahan lamang, narito ang iyong Scout-palaran sa taong ito ayon sa bituing walang ningning. Narito na ang iyong inaabangang horoscope na walang halong kasinungalingan, tanging kalokohan lamang.

Tandaan, ang mga ito ay walang kabuluhan at hindi dapat magsilbing gabay sa iyong pang-araw-araw na buhay.

ARIES (March 21 – April 19)

Lucky Color: Buhok na Green
Lucky Number: 214

Love: May makikilala ka sa isang tindahan pero ilang araw lang ay lilipad na siya papuntang Canada.

Career: Sa susunod na issue ay centerfold ka na!

Money: Pareho lang tayong wala. (So yeah!)

via Gfycat

TAURUS (April 20 – May 20)

Lucky Color: Very Peri
Lucky Number: 17-3938

Love: It’s the year of the tiger not of the lover. So yeah. Walang love life for this year teh!

Career: Mapopromote ka. Hindi ka na lang isang grub master, isa ka pang quarter master.

Money: Makakabili ka ng bagong Type A uniform. #manifesting (Tag National Scout Shop here)

via GIPHY

GEMINI (May 21 – June 21)

Lucky Color: Brown
Lucky Number: 7,640

Love: Magiging masaya ang iyong love life at maguumpisa ito next month. Ay Gemini ba ito? Sorry, bawi next life.

Career: Makakakuha ka ng magandang balita. Hindi lang ako sure kung para sa career ba iyon.

Money: ‘Wag kang masyadong magastos ngayong taong ito. Wala ka pang trabaho!!! Lagot ka sa nanay mo.

CANCER (June 22 – July 22)

Lucky Color: Au
Lucky Number: Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines

Love: Balita ko masaya love life mo. #SanaAll not Sara/all

Career: Makakakuha ka ng magandang oportunidad para lumago ang iyong koneksyon pero walang koleksyon.

Money: Magtira ka naman sa iba, nasa iyo na ang lahat. Kathryn?!

LEO (July 23 – August 22)

Lucky Color: Checkered na Blue
Lucky Number: 3 or 1, ‘di ako sure.

Love: Two words. MOVE ON!

Career: Makakapunta ka ng New York at Mexico this year. Sagot na namin ang pamasahe, Cubao at Pampanga lang namern.

Money: Wala ka mang pera, cute ka naman. Hindi pwedeng nasa iyo lahat ‘no?

VIRGO (August 23 – September 22)

Lucky Color: Red Banapple
Lucky Number: Seven-11

Love: May nagmamahal sa iyo at alam mo iyon. Try mo lang.

Career: Gaya ng sabi ko, mayroong may gusto sa iyo. Career-in mo na!

Money: Tataaas ang value ng SLP at magpapakape ka.

via GIPHY

LIBRA (September 23 – October 23)

Lucky Color: Ultimate Grey
Lucky Number: 23

Love: FINALLY! Mayroon akong nakitang maganda. Ikaw! Pero sorry wala pa ring love life.

Career: Magtiwala ka darating din ang inaasam-asam mong tagumpay. Hindi lang natin alam kung kailan.

Money: May magkakabali ng pasa sa iyo sa GCash, isauli mo – a Scout is honest.

SCORPIO (October 24 – November 21)

Lucky Color: Red (Taylor’s Version)
Lucky Number: 22 (Taylor’s Version)

Love: It’s long gone and the magic isn’t there anymore. You might be okay but you are not fine at all.

Career: Magtatagumpay ka. (Scorpio Version)

Money: Shake your wallet off! Shake it off! Wala di’ba?

via GIPHY

SAGITTARIUS (November 22 – December 21)

Lucky Color: Spanish Bread
Lucky Number: e=mc2

Love: Malabong maging kayo. Bawal ang same unit relationship.

Career: Wala.

Money: Wala lalo.

via GIPHY

CAPRICORN (Decembe 22 – January 19)

Lucky Color: -ing pencil
Lucky Number: Syntax Error

Love: Sige, pinagbigyan ka ng mga tala. Magiging kayo ang magkagrupo sa thesis.

Career: Minsan lang umayon ang tala sa piling tao. Pasensya na at hindi ka kasama doon.

Money: Forget about it. I SAID, forget about it!

AQUARIUS (January 20 – February 18)

Lucky Color: Transparent
Lucky Number: 666

Love: Good news! May mamahalin ka pero hanggang doon na lang iyon.

Career: Abot-kamay mo na sana ang Eagle Scout rank kaso may isang papansin na tumakas sa quarantine.

Money: Nakatanggap ka ng malking halaga noong nakaraang Pasko. Maging matalino, huwag ipautang kay nanay.

via GIPHY

PISCES (February 19 – March 20)

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 52%

Love: Kung sino yung laging nag-HAHA sa post mo, siya na ‘yun.

Career: You will have a great career if you work with a Scorpio, a Pisces, a Sagittarius, a Leo, a Virgo, a Libra, a Cancer, an Aries, a Taurus, a Gemini, an Aquarius, or a Capricorn. JOKE!!!

Money: Darating ang araw na pupunta ka sa mall, pero hindi na kailangang tanungin ang presyo ng bag na gusto mong bilhin kasi kahit anong mangyari wala kang pambili.

Muli, walang kwenta itong horoscope na ito. Sinayang lang namin ang ilang minuto mo. Pero bago mo kami sisihin, isipin mo muna kung ilang araw namin ginawa ito para lang mapatawa or mainis ka. Anu’t-ano pa man, HAPPY NEW YEAR SA IYO AT SA IYONG PAMILYA!

Share this post

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share on whatsapp

Hello!

Login to your account

This website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you agree to our Privacy Policy and Scout Safe From Harm Statement.

Be a Scout Mediaperson!​

Join the Amateur Media Association of Philippine Scouts and be part of the largest independent Scout media association.