Indeed, we have missed so much of our Scouting life magmula nang maganap ang pandemya na ito. Lots of interaction has been restricted, at literal na pagsubok sa atin ang biglaang pagbabagong ito. Gayunpaman, tunay na nakakabilib ang kakayahan nating mga Scouts na ma-maximize ang mga potential natin to its fullest sa kabila ng sitwasyong kinalalagyan. Dahil dito, here are 10 memes na magpapatunay sa’yo that regardless of all the circumstances, walang makababasag sa katotohanan na ang Scouting ay isang masaya, nakakaengganyo at inklusibong movement na siyang punong-puno ng mga alaalang habambuhay mong babaunin!
1. Kapag sinabi kong camping, hindi pa kasama dun ang pagligo.
May ilang Scouts na todo sugod sa camping ng walang ligo-ligo dahil tingin nila, hindi naman mababawasan ang angas nila kung magsesepilyo at hilamos lang sila. At kung sakali mang mag-amoy asim kilig at some point throughout the day sa ilalim ng naglalagablab na araw, problema mo na ‘yan. Huwag mo nang isisi pa sa mga kasamahan mo, pero huwag kang mag-taka ‘pag lumayo sila sayo. HAHA!
2. Nakatulog nang mahimbing, karibok nang magising.
Hindi kumpleto ang Scouting journey mo kung hindi mo pa nararanasang maging canvas ang mukha mo. But wait, the worst is yet to come! Kung sa tingin mo ay maligaya na sila sa ginawa nila sa’yo, asa ka! Hindi pa diyan nagtatapos ang trahedya dahil maghahanap pa ng tali ang mga ‘yan para igapos ka! Habaan mo na lang siguro ang pasensya mo para hindi ka maubusan ng kaibigan.
3. Hindi naman sila mga accountant pero pangmalakasan ang balancing skills
Hindi na kailangan pang mamili ng mga Scouts sa dalawa, because they are capable of excelling both academically and in the Scouting way! Hindi lang naman kasi limited ang pagkatuto sa apat na sulok ng classroom, at aware naman tayo sa katotohanang ito. May mga dakilang Scouts pa nga riyan na kaya pang pagsabayin ang dalawa. I am telling you, you shall never underestimate the flexibility of Scouts.
4. Miss ko na mag-camping pero mas miss kita.
Campings are indeed one of the most heavily-missed (Oh, ano nang reply niya? Miss ka na rin daw ba niya?) Scouting activity! Ibang level talaga ng nostalgia ang hatid ng mga campfires, mga activities, at higit sa lahat, ang camaraderie na na-establish mo with your fellow Scouts. Anupamang rason ang mayroon ka, na-miss mo mang suotin ang Type A uniform mo o ang pagpapa-picture sa kapwa Lady Scouts (Oh, huwag tumanggi, alam kita CHAR!) sa bawat campings na masasalihan mo, what truly matters ay ang pagkakaisa natin sa pagtupad ng ating pinakamalalalim na hangarin, and that is to revive Scouting pagkatapos ng lahat ng mga limitasyon na napilitan itong harapin.
5. Tent pa ba ito o microwave oven na?
Dahil nga sobrang init, tanghali pa lang ay animo’y isa ka nang dehydrated na Beluga whale. ‘Yung tipong pati ‘yung tinimpla mong Milo na malamig, pagsapit ng hapon, mainit na! Para kang binabangi sa loob ng tent! On the other hand, may mga sadboi hours ka rin naman kung kailan nakakapangilabot na nga ang coldness ng panahon, tapos cold pa ‘yung ka-chat mo. Sana talaga okay ka pa sa lagay na ‘yan.
6. It’s called a Challenge Valley for a reason! Mindset ba mindset.
Just imagine wanting to impress that Scout na popormahan mo sana kaso instead na magmukhang mas fresh at attractive, nagmukha kang bungisngis na batang napabayaan sa putikan! Indeed, kung nasaan ang comfort zone, walang growth na mangyayari dahil ang struggles ang nagpapabaga sa passion mo sa Scouting. Iyon nga lang, kung pag-iinarte ang paiiralin mo sa challenge valley, bumawi ka na lang siguro sa next life.
7. Ang Batas ng Scout: Ang Scout ay Mapagka-IBIG-an.
After every camp, bukod sa mga friendships na nabuo at babaunin mo, hinding-hindi maaaring umuwi ang isang Scout nang hindi nakakapag-picture sa bago nilang crush! Uutuin ka pa ng mga kasamahan mo ng “Uy, malay mo, crush ka din n’yan!” Baka lang nakakalimutan mo, baka lang naman, na brotherhood ang sinalihan mo? Mahalagang paalala nga pala, ingatan mong maigi ‘yang Type A uniform mo, iyan na nga lang ang bukod-tanging couple shirt niyong dalawa. A scout is loyal, ika nga nila. Sa panahon nga naman ngayon, ang mga scouts na lang siguro ang natitirang loyal sa mundo.
8. Ano ‘yung tulog? Nakakain ba ‘yun?
Ito ang hamon na pinasok mo, kaya kung hindi ka naman pala sigurado, sana hindi mo na lang sinimulan. Mahaba man ang tulog, bitin o bangag dahil walang katulog-tulog at all, life goes on in scouting! Panay man ang paghikab mo habang nasa formation at animo’y lantang gulay na habang nag-exercise? Well, hindi uso ang favoritism at special treatment dito, beh. Kung ‘yan pala ang hanap mo, edi pasensya kana, godbless.
9. Ang Jambo Market ay mas mahalaga pa kaysa important.
May mga instances talaga na pagkatapak na pagkatapak pa lang natin sa campsite, ‘yung thought na kaagad ng Jambo Market ang ina-anticipate natin. ‘Yung tipong first day na first day pa lang ng Jamboree, nakalahati mo na nga ung pocket money mo tapos out of stock na kaagad ng mga souvenirs kasi kung maka-hoard ang mga kasamahan mo ay animo’y buong angkan ang papasalubungan!
10. Akala mo kasi ganun-ganun lang kadali ‘yun, eh!
Ang isang competent at goal-driven na Scout “would rather have bad times in Scouting, than good times with something else,” as Luther Vandross’ song somehow goes. May mga pagkakataon talaga sa Scouting when it just gets too heavy to carry the weight of it all. The point is, huwag na huwag mo lang kalilimutan that when life brings you lemons, just bring out the tequila! Huwag mo namang masyadong dibdibin ang mga hamon ng Scouting, beh; may likod ka pa.
Sa likod ng mga ngiting walang pagsisidlan ang kasiyahan ng bawat Scouts ay isang paglalakbay na puno ng maraming mga tinik at hamon na nararapat nilang lupigin. Natitiyak kong hindi naging madali alinman sa mga ito para sa kanila. Gayunpaman, kinakaya pa rin nila at kakayanin dahil proven and tested na talagang sila ang mga tunay na master-lodicakes. Higit sa lahat, anuman ang mga paghihirap na maaaring bumalakid sa paghahandog mo ng serbisyo sa kapwa mo, huwag kang magsasawang itatak sa puso’t isipan mo that Scouting is a journey that is worth fighting for until the end.