10 All-Time Favorite Food Staples sa Jambo Market

Ang karaniwang hinahanap-hanap at laging binabalik-balikan sa loob ng mga Jamboree ay ang Jambo Market. Marahil, nagtataka ka ano nga bang meron sa mga Jambo Market at siya’y binabalikan pero ikaw hindi (okay lang ‘yan, teh!), nasa Jambo Market lang naman ang buhay ng mga Scouts, kumbaga, sa eskwelahan, ito ang nagsisilbing kantina. Siya ‘yung relax station and last destination mo sa isang buong araw na punong-puno ng activities.

Takang-taka ka na ba kung ano ang nasa loob ng Jambo Market? Well, sa pagpasok mo palang ay maaamoy mo na ang samu’t saring pagkain. Nariyan ang amoy ng masarap (ano nga ba ang amoy masarap, huhu), amoy nasusunog (napabayaan ‘yung nakasalang), at amoy maasim (mga pawis dzai!). Pero seryoso, sa sobrang bango nung mga pagkain ay mapapalunok ka na lamang sa takam. Darating ka pa sa point na ‘di ka makapag-desisyon–ano nga ba kakainin mo kasi lahat ay gusto mo, budget na lang talaga ang kulang. 

So, ano? Isa ka rin bang Scout na buhay ang diwa kapag Jambo Market na ang usapan? ‘Yung tipong tatakas ka para lang maglibot, mag-food trip, at kumain ng late night snacks? At, aabot ka na sa point na mapapaisip kung Jamboree ba talaga ipinunta mo o ‘yung Jambo Market lang talaga.  Alam naming na-mi-miss ninyo ang tumakas, este, ang mag-food trip, kaya narito kami upang i-rate ang inyong mga “All-Time Faves” na pagkain sa Jambo Market.  Mga pagkaing bumusog sa mga kumakalam na sikmura at nagpaubos sa laman ng mga wallet ninyo.

1. TUSOK-TUSOK 

Rating: Tatlo dos, piso tumpok

Starting off with the cheapest one sa kategoriyang ito, the tusok-tusok. ‘Yung toasted na pagkakaluto ni ateng tindera ng Fishball, Kikiam, Squidball, atbp. Ooh la la! *Chef’s Kiss* 

Dagdag points pa ‘yung apat na klaseng sawsawan ni ate. Ito ‘yung matamis na para sa mahihinang nilalang, maanghang na sawsawan para sa mga atapang atao, maasim pandagdag asim sa katawan, at pinaka masarap sa lahat ‘yung multi-flavored sauce. 

Ang multi-flavored sauce. ‘Yung malabnaw na sawsawang naghahalo ang tamis, anghang, asim, at tabang. Swerte mo kung kaunti lang binili mo, pero ang masaklap ay pagkasawsaw mo ng sampung-pisong fishball, e may matigas kang tinamaan—napagtanto mong banlawan pala ng sandok ang nasawsawan mo. Don’t panic, it’s organic.

2. SIOMAI

Rating: 143/10 (SIOMAI-lab for you!)

Ito ‘yung pagkain na ‘pag may umamin sa’yo ay bubusugin ka sa sarap with love, at ‘pag rejected ka ay papaiyakin sa sarap na may anghang. Pero huwag kang mag-alala kung solo eater ka, sa asim naman ng kalamansi ay pakikiligin ka. Sa toyo naman ay wala kang problema, basta sakto ang timpla, papasok ‘yan sa iyong panlasa. Ngunit mahalagang paala, ang toyo ay nilalagay sa tiyan ha, hindi pinapasok sa utak, teh. Dili ka toyoin for today’s vidyeows.

3. SHAWARMA

Rating: 19/80

Isang pinagpalang Jamboree ang napuntahan mo kung may Shawarma sa Jambo Market. Isa lang naman ito sa mga “rare foods” na ibinebenta sa masa. Sa sobrang bihira, nakakapambihira rin naman ang pila rito. Tas sa pagkatagal-tagal na oras na pinila mo, nung ikaw na, aba’y ubos na. Kung maswerte kang nilalang na nakabili nito, “don’t expect too much” ika-nga. Dahil minsan, sa unang kagat, pita bread lahat. Awit, better luck next time.

4. BURGER WITH FRIES 

Rating: Perfect Tawsan!

Tinaguriang weird combo ang pagkain na ito, bakit? Kasi pinapalaman ‘yung fries sa loob ng burger kaya ito ay 2 in 1, (Hindi mo pa nasusubukan? Medyo weird nga siya, pero masarap at kakaiba siya promise.) ‘Yung iba ay inuubos ito in two bites dahil sa kagutuman, ngunit mas malalasap mo ang tunay na sarap kung kakainin mo ito na mala-commercial sa telebisyon. Ipipikit ang mga mata, susubong sakto lang sa bibig, at ngunguyaing malumanay. Nakakatakam, owemji! Kaya subukan mo ito sa mga susunod mong Jamboree. Kasi baka gaya ng burger and fries, tayo rin ay bagay, emz!

5. KAREN-DIRYA STYLE 

Rating: 18K/10 (Karendirya lang ang gold) 

Ito ang legit na pantawid-gutom! Imagine, sa 50 Pesos mo, may kanin at ulam ka na. Dagdag mo pa ‘yung libreng sabaw ng sinigang na mapapa-asim kilig ka sa sarap (Panong kilig ba, kamo?). Ngunit mapapaisip ka na lang talaga san galing ang sabaw, wala naman silang putaheng sinigang. Ngunit, ang da best na hahanap-hanapin mo sa isang karinderya ay ‘yung mga “Karen” na hindi nauubusan ng chika at sa sobrang ingay ay dinaig pa ang pumunta sa perya. Ano, may nasagap ka bang chika?

Napakaraming nakatatakam na pagkain ang nabanggit, pero alin diyan ang favourite mo? ‘Yung tusok-tusok ba with the multi-flavored sauce? O ‘yung siomai kasi gusto mong may mag SIOMAI-lab for you? Baka mas bet mo ‘yung shawarma, dahil mahilig ka sa tinapay? Ahh, mas type mo ata ‘yung burger with fries kasi hoping ka pa rin na bagay kayo? O mas trip mo lang talaga ‘yung Karen-dirya kasi want mo ng latest chika? 

Basta kahit ano pa man ang ginusto mong kainin sa Jambo Market, isa lang ang kahahantungan ng lahat. Ito ay ‘yung sabay mong paghimas sa tiyan at sa wallet mong walang laman. Kukumbinsihin ang sarili na worth it ang paggastos, dahil sa sarili mo naman inubos. Isang payo lamang ang maihahandog ko para sa iyo, alam mo paano hindi mawalan ng laman ang wallet mo? Huwag ka mag-wallet, huhu. 

Sa tindi ng sikat ng araw, tumatagaktak ang iyong pawis. Mula sa mga aktibidad na iyong ginawa, uhaw ay ‘di mawawala. At syempre, sa dami ng kinain mo ay paniguradong kailangan mo ng panulak. Narito ang mga inuming mapapaulit-ulit ka sa sarap at magpapatid sa iyong uhaw. Narito na ang ilan sa mga refreshing drinks na pinagkakaguluhan at pinipilahan sa Jambo Market. 

1. BUKO JUICE

Rating: Alas Siyete (sa dating tagpuan, buo ang araw ko)

Let us give a moment of appreciation to the Buko Juice Supremacy, at sa mga nakisabay nung 2013 sa Buko by Jireh Lim.  Limang piso lang ‘yan pero talagang binabalik-balikan, makikita kung saan-saan, at parang lagi kang susundan. Nasobrahan nga yata ako sa buko, napapa kanta na’ko rito, “Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko’y magbabago…” Kaya hinay-hinay lamang baka daigin mo pa si Jireh Lim sa pagkanta ng Buko. HEHE!

2. GULAMAN

Rating: 10/10 (Sampung pisong pangmatagalan)

Ang karaniwang gulaman ay asukal sa tubig with the main ingredient the ultimate gulaman. Pero pano kung nakalimutan ‘yung asukal ni ateng tindera? Well, enjoy your tubig na may yelo atleast with GULAMAN! Salamat sa pa-refill ng tubig ate, AY gulaman pala.

Pero kung ang timpla ay lasang gulaman naman at mahilig ka sa matamis, ito ang para sa iyo. Bagay na bagay tayo, este, bagay ito sa siomai na kinakain mo. Ito ang solusyon sa kaanghangan, pero huwag lang i-diretso agad sa lalamunan. Baka ‘di ka nga naanghangan, ikaw naman ay nabilaukan.

3. MILKTEA

Rating: 50/10 (Spill the tea, mare) 

Sa unang order mo ay talaga nga namang mapapa- “cravings satisfied” ka, pero nako po, your wallet? Not so much. Kung babalik ka pa at bibili pa ng isa, baka wallet mo ay mag 50/50 na. Gayon pa man,worth itpa rin dahil sa lambot ng Tapioca ballsat tamis ng iba’t ibang tea flavors. Anong tsaa ba ang hanap mo, ‘yung latest ba na mala-marites sa speed? ‘Di masarap ang milktea kapag walang tsaa si Bestea.

4. SOFTDRINKS

Rating: ELIBAP EKOC!

Ikaw ba ay kagaya ng karamihan? ‘Yung ‘kala mo mabubuhay ka kahit walang coke sa buhay pero hinahanap-hanap talaga ito ng iyong lalamunan. Huwag ka mag-alala, ang softdrinks ay hindi ka iiwan (sana siya rin). Always present ‘yan pagdating sa Jambo Market, kaliwa’t kanan ang mahiwagang cooler na naglalaman ng iba’t ibang klase ng softdrink. Nariyan si Mareng Royal na loyal, andiyan din si Sprite na lite, at si Coke na mismo (miss ka ba?). Hanapwell sa ilalim bhie, kalalagay lang kasi nung nasa ibabaw.

5. WATER

Rating: Rateless

Ang katawan ng isang tao ay binubuo ng  60%  tubig kaya dasurb at dapat lang na uminom ka. Dahil sa kahit anong klase ng inumin, tubig pa rin talaga ang iyong hahanap-hanapin. Ewan ko ba ano ang kapangyarihan ng H2O (Hindi ‘yung kapangyarihan ni Alena ha), dahil wala e, ikaw pa rin talaga, ay este, tubig pa rin talaga. Walang inuming makakapawi ng iyong uhaw na makakapawi sa uhaw.  Kaya kung ang tubig ay water, ang ilog ay river, we should love scouting FOREVER!

Oh, naalala niyo ba ang mga Jambo Market memories niyo? Lalo na ‘yung one friend mo na malakas magyaya tapos magpapalibre lang pala. HAHA! Mapapa– #RelateMuch ka nalang talaga. Tunay nga namang nakaka-miss ang mga food trippings, tambay, at bonding sa loob ng Jambo Market. Kaya kung ikaw ay may na-mi-miss na pagkain o inumin sa Jambo Market, don’t worry, ‘di ka nag-iisa. Pero kung na-mi-miss mo ‘yung naka-fling mo, aba’y paktay tayo jan.

Seriously speaking, marahil lahat tayo ay abang na abang na sa muling pagbabalik ng Scouting Jamborees at pagbubukas ng Jambo Market, tayo ay darating din sa pagkakataon na ‘yan. Hindi pa man ngayon, ngunit malapit na. Kaya’t mag-ipon na kayo today, para ‘di ka sightseeing lamang someday. Dahil sa kahit anong pagod mo bilang Scout man o hindi, “Let the food be thy medicine and medicine be thy food.”

Share this post

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share on whatsapp

Hello!

Login to your account

This website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you agree to our Privacy Policy and Scout Safe From Harm Statement.

Be a Scout Mediaperson!​

Join the Amateur Media Association of Philippine Scouts and be part of the largest independent Scout media association.